STORY OF US - Part 3

Nagsimula ang ikatlong taon natin sa Lakan Dula, ubod ng poot at paninibugho ang aking nararamdaman dahil maraming tanong sa aking isipan kung bakit ka lumisan, kung bakit sila nagagawa mong kausapin at ako ay hinahayaan mo lang. Nagpaliwanag ka pero para sa akin ay hindi iyon sapat at kailangan ko nang tanggapin ang katotohan na hindi na kita mahahagkan.

Pero dumating ang oras noong kasagsagan ng ikalawang markahan (hindi ko na tanda kung unang markahan o ikalawa) kung saan tinawag mo ako (hindi pa rin tayo nag-uusap nito)ibinigay mo ang isang piraso bracelet sa akin at inabot mo ito. Sinuot ko agad ito at nakitang mayroon ka rin at magkatulad tayo at doon ay nagsimula na mulit tayong mag-usap noong nag-usap tayo sa notes ng ig, at ayun nauwi tayo sa usapan tungkol sa math at nagpasend ka ng notes kaya ayun ang unang galaw ko para muli tayong mag-usap.

At sa yugtong ito aaminin at sasabihin ko ang naramdaman ko na pagtatampo at selos noon, ito na ang huli kaya hayaan mo ako at huwag ka mag-alala wala na akong pakielam sa kaniya ngayon ah sadyang kasama lang ito sa timeline BAHAHAHAHAHA sorry agad.

Ipinadama mo sa akin na parang bumabalik kana ngunit bigla ka ulit lumalayo, hindi ko alam ang dahilan pero alam kong komplikado na ang iyong nararamdaman may oras na mahal mo ako at may oras na hindi. Mas lalong nabuo ang sakit na aking nararamdaman ng malaman na nag-uusap kayo (kilala mo na 'yan kung sino) tila nababalewala nalang ako kahit sa TLE time nag-uusap kayo madalas pa na papaalisin mo ako para lamang mag-usap kayo kahit saan ka magpunta mayroon kang update sa kaniya with picture pa, kahit liban siya palihim kitang pinagmamasdan at nakikita ko na nag-uusap parin kayo. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko na ngumingiti ka na ang tanging dahilan ay siya may mga litrato mo na ipinapasa pa sa kaniya.

Back
Next