STORY OF US - Part 4

May mga tanong noon sa aking isipan, bakit hindi mo siya magawang layuan? Bakit ako pa ang parang pinapalayo mo? Alam niya naman na gusto kita pero bakit hindi niya maisantabi ang nararamdaman niya kahit alam niya naman na gusto parin kita. Pero pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko at muli kitang tinanggap at pinaglaban sa buhay ko. hanggang sa dumaan nanaman tayo sa pagiging kumplilado at nilisan natin ang ikatlongt taon ng sekondarya ng may sakit sa ating mga puso, may nga tanong sa isip ko na hindi pa nasasagot hanggang ngayon pero patuloy ko nalang nililimot at binabaon,

Pagtungtong sa huli o ikaapat na taon sa Lakan ay tila nagbago ang ihip ng hangin, mayroon paring poot sa aking puso pero napapalitan ng saya at ng kilig tuwing kasama ka, mulit tayong nag-usap ngunit parang kumplikado parin? At doon na dumating ang panahon na natauhan tayo, nagbigay si CJ ng mga katagang umukit sa ating isipin ayon ay ang pag-usapan natin ang bawat nararamdaman at harapin ang bawat takot na daraanan.

At ayon ang simula ng ating istoryang dalawa, hindi perpekto pero sigurado, hindi na mabilis ngunit pulido. Patawad sa bawat mali na aking naiisip. Pero nagpapasalamat akong ika'y muling nagbalik. Hindi ko sinabik na ayon ang lahat ng ating istorya dahil kailanman ito ang pahinang hindi magtatapos ngunit patuloy ang mga letrang ating naisusukat sa bawat pahinang nauukit.

Ako ay nanatili at mamanatiling nasa tabi mo bubba, patuloy kitang mahahalin sa paraan na ikaw at ako lamang ang nakakaalam. Ang panahon ay darating din para sa atin bubba, patuloy lang tayo gumawa ng memorya ang pag-asa ay patuloy parin kung tayo ay magsasama. Mahal na mahal kita Jazz ikaw lang wala ng iba pa.

Back