STORY OF US - Part 2

Hindi ko malilimutan ang sandaling ako ay nagkamali ng nasambit papasok sa science subject noon, nasabi ko nun na "i love you," pero para iyon kay gab ngunit ako ay nakutya ni gab at sinabi niya na "beh i love you daw kay jazz," at ayun sinabi nila sa iyo 'yun. Pero natakot ako at sinabi ko na si odeng ang gusto ko hanggang sa hindi kona alam ang gagawin ko. Dagdag pa ay 'yung kay zion na akala ko siya na ang nagugustuhan mo dahil nga patuloy kang nagbubukas sa akin tungkol sa hindi niya pagpansin sa iyo at nalulungkot ka sa bagay na iyon.

At iyon patuloy parin tayong sabay pumunta ng practie at uuwi rin nang sabayu hanggang sa umuwi rin tayo noon na may dala akong bike pero hinatid padin kita dahil sabi mo ay pahiram ka ng bike ko, hinatid kita hanggang tapat niyo at sa pagpanik mo nandoon si nanay lyn, "nagdate pa kayo ah," ang nasabi niya sa akin. Sa pag-uwi ko tinatanong ko ang aking sarili, may pag-asa ba ako sa'yo? Nagugustuhan mo rin ba ako? Sa tuwing umaalis tayo at tumutungo sa tutuban sapat naba na oras 'yun para magustuhan mo rin ako?

At sa huling banda ng ating taguan ng nararamdaman, ay ikaw ang sumuko, sa 1128 pa nun nung nakadama ka ng paninibughondahil napag-usapan namin ni yssa ang mga nakaraan na naka talking stage ko, kinagabihan ay umamin ka at hindi mo na nakayanan, gamit ang spotify kung saan ang nakalagay ay "mi everything," na ang dating pamagat pa noon na nakita ko sa tutuban ay "him" at may diskripsyon na "magulo kasama" At doon ay nagsimula na ang ating istorya na noon ay tinatago natin sa isa't isa.

Dumating tayo sa punto kung saan naramdaman mo ang hirap at mga salita ng iyong mga magulang na nagresulta kung saan lumisan ka nang hindi manlang nagpaalam. Akala ko noon ay tapos na, wala na at mayroon ng iba. Pero hindi mali ang naiisip ko.

Back
Next