STORY OF US - Part 1

Sa pahinang ito ng buhay ko ay dumating ka, nagsimula pa noong ako nasa ikalawang taon ng sekondarya. Madahil ilang ulit ko na sa iyong nasabi kung bakit nga ba kita nagustuhan at kung paano tayo nagsimula, pero ngayon nais kong muli na mabasa at madama mo ulit ang aking tunay na pagmamahal sa iyo noon pa man.

Nagsimula lahat noong ikalawang taon natin sa Lakan Dula, akala natin ay normal na interaksyon lang lahat, bawat pagpapatawa, kwentuhan, tampuhan at pag-alis natin ay akala ko wala lang, akala ko nung una "wala 'to, kaibigan ko lang 'to sabagay nung elementarya kakilala ko naman na 'to noon pa kaya ayos lang 'to," pero hindi naging ganun.

Nahulog ang loob ko sa iyo nang tayo ay patuloy na magkasama at magkagrupo, naramdaman ko na kapag ikaw ang kasama ko ay magaan lahat. Sa oras na wala ka tila hindi ko alam kung may maaanig paba ako sa mga daraanan ko sa buhay. Hindi ko man maalala kung kailan tayo unang nag-usap noon ay alam ko naman na dahil 'yon sa pinagawa sa atin at tayo ay magkagrupo.

Oo aaminin ko noong tayo ay nasa panahoong iyon ay umaasta pa akong bata mag-isip at patuloy na nasasaktan sa iyong mga nakaraan, hindi ko alam ang nararamdaman ko nun pero napapansin ko na nahuhulog na nga ako sa iyo. Pero hindi ako pwedeng umamin ayon ang nasa isipan ko dahil matapos lahat ng mga kwento ko sainyo tungkol sa nakaraan ko ay maaaring husgahan niyo ako na bigla na lamang magkakagusto sa iyo.

Back to Home
Next