Sabi nga nila, "Hindi tadhana ang maghahanap sa iyo, kundi ang tadhana ang dapat hanapin mo." Marahil pareho tayong mayroong nakalipas na nakaraan, hayaan natin na tayo ang magbukas ng bagong pahina kung saan tayo lamang ang nakaaalam kung anong paksa ang mayroon sa ating dalawa.

Tayong dalawa ang naghanap sa isa't isa, sana ay tayong dalawa rin ang humanap sa tinadhang "tayo talaga."

Isinulat ko itong latha para iyong maramdaman na espesyal ka sa akin at hindi na magbabago pa ang aking pagtingin sa iyo. Hindi ko man kayang ibigay sa iyo lahat sa ngayon pero hayaan mo muna akong ibigay ang tunay na diwa ng pagmamahal.

Wala akong hinihingin kapalit sa bawat ginagawa ko sa iyo, sadyang ito lamang ang paraan ng pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa iyo.

Back Next